Nakuha ng Robinhood ang Dubai Financial Services Authority (DFSA) license para makapag-offer sa mga retail investor sa buong Middle East. Pero, hindi muna magla-launch ang US trading app ng mga produkto nito hanggang 2027.
Mas matagal na rin pala ang approval kaysa sa akala ng iba. Na-issuehan na ng lisensya ang Robinhood MENA Limited noong July 20, tatlong buwan bago pa in-announce ngayong linggo.
Ano ba talaga ang pinapayagan ng Dubai license ng Robinhood?
Ang Robinhood MENA, na pinamumunuan ni Salah Kaddoura, ay mag-ooperate sa Dubai International Financial Centre (DIFC), isang free zone para sa finance.
Sabi ng kumpanya, sakop ng lisensya ang lahat ng 10 asset classes na inaprubahan ng DFSA. Kasama dito ang stocks, ETF, crypto, at investment tokens—ibig sabihin, tokenized securities din.
Pero kung titignan mo ang public register, mas limitado ang laman nito. Naka-list doon ang “arranging” permissions para sa mga products tulad ng futures at options, kaya mukhang ibang entity sa group ang magha-handle ng mismong trading at custody.
“Isa ang DIFC sa pinaka-importanteng finance hub sa buong mundo, at dahil sa pag-expand namin dito, mas lumalapit kami sa goal na maka-build ng global platform kung saan kahit sino, kahit saan, pwedeng magkaroon ng access sa pinakamataas na kalidad ng mga financial asset.”
Ayon yan kay Vlad Tenev, chairman at CEO ng Robinhood, sa isang statement niya.
Kaya bang humabol ng Robinhood sa mga nauna nang competitor sa Gulf?
Kasunod ng Singapore at Canada, sunod na expansion target ng Robinhood ang Dubai para sa 2026. Sabi ng kumpanya, umabot na sa $15 billion ang nailipat gamit ang kanilang stock tokens sa unang 100 araw ng Robinhood Chain.
Base sa ARK Invest data, mas malaki pa ang kinita ng Robinhood Chain kumpara sa Ethereum nitong nakaraang quarter.
Pero, mas mabilis na dumadami ang brokers sa DIFC – 72 na ngayon, mula sa 49 noong 2022, ayon sa DFSA. Andiyan na rin ang eToro, Interactive Brokers, at local app na Baraka na nagsisilbi sa mga investor sa UAE.
Mas mabilis nga ring gumalaw ang mga crypto-native na competitor. Oct. 12 pa lang, nakakuha na ng full approval si Kraken mula sa Virtual Assets Regulatory Authority ng Dubai (VARA). Malapit na ang kanilang launch, kasama na ang xStocks tokenized equities.
Kamakailan lang, nadagdagan ng Bybit ang kanilang VARA spot trading license. Pati mga exchanges sa buong mundo, nagpu-push din ngayon sa stock trading.
Gulf Wealth Opportunity ba to o sobrang siksik na ng players?
| Bull case | Bear case |
|---|---|
| Sakop ng license ang tokens, crypto, at derivatives | Nasa register lang ang arranging permissions |
| $15 billion stock token trading | Kina-question ng CEO ng AMC kung fully backed nga ba ang tokens |
| Bata at may pera ang mga retail investor sa Gulf | MENA region umabot lang ng 4.1% ng broker web traffic sa Q3, samantalang 42% sa Europe (FM Intelligence) |
| Higit 1 million funded users sa labas ng US | Ang launch sa 2027 ay magbibigay ng isang taon na head start sa mga kalaban |
Sa kabilang banda, sinuportahan ng US regulators ang real stock tokens imbes na synthetic na version nito.
Saan kayang markets mararamdaman ang pagpasok ng Robinhood sa Gulf?
- Robinhood Markets (HOOD)– Halos hindi gumalaw ang shares, ibig sabihin, mukhang hindi pa gaanong napapansin ng market ang Gulf revenue potential.
- Mga regional brokertulad ng Baraka at eToro – Sila ang pinaka-direktang matatamaan.
- VARA exchangestulad ng Kraken at Bybit – Kalaban din sa spot crypto at tokenized stock products.
- Tokenization issuers– Puwedeng magkaroon ng bagong license na distribution channel sa Gulf.
Hindi pa sinasabi ng Robinhood kung aling mga bansa sa Middle East ang serbisyuhan nila. Pagsapit ng 2027, posibleng magkakasabay na mag-target sa iisang Gulf investor ang DFSA brokers at VARA exchanges, magkaiba nga lang ng rules na sinusunod.


