Pinawalang-bisa na ng securities regulator ng New Jersey ang staking order nito laban sa Coinbase noong 2023 — burado na ang $5M na multa at ang ban na nagbawal sa mga residente na mag-stake ng bagong pera sa platform.
Pero pwede pa ring magsampa ng bagong kaso ang estado dahil “without prejudice” ang October 30 na pagbawi ng order. Nangyayari ito habang bumaba ng 54% ang kita ng Coinbase mula sa staking nitong nakaraang quarter, kaya apektado rito ang mga taga-New Jersey na may hawak sa Coinbase (COIN) at pati na rin ang mga shareholders ng exchange.
Anong Nagbago Para sa Mga User ng Coinbase Dahil sa Bagong Order ng New Jersey?
Sa staking, nilalock mo ang coins mo gaya ng Ethereum (ETH) o Solana (SOL) para tumulong magpatakbo ng blockchain, tapos may makukuha kang bagong tokens bilang reward. Ginagawa na ng Coinbase ang process na to para sa mga customer nila at may parte silang kinukuha bilang bayad.
Noong June 2023, tinawag ng Bureau of Securities ng New Jersey na unregistered security ang staking service ng Coinbase.
Noong panahong yun, nasa 145,270 taga-New Jersey ang gumagamit ng service na ‘to, ayon sa state Attorney General’s Office. Hinatak ng Coinbase ang staking sa apat na estado pagkatapos ng ilang linggo.
Itong bagong order na pirmado ni Acting Bureau Chief Keith A. Alt, hindi nagdesisyon kung nasuway ba talaga ng staking ang batas ng estado.
Sabi ni Coinbase Chief Legal Officer Molly Abraham, milyon-milyong dolyar ang rewards na hindi nakuha ng mga Coinbase users sa New Jersey sa huling tatlong taon.
Another one.
New Jersey has formally dropped its staking lawsuit against Coinbase and lifted its cease-and-desist order, paving the way for our NJ users to resume staking after missing millions of dollars in rewards over the past 3+ years.
Defending our users access to secure,…
Noong April 2025, tinatayang nasa $90 million ang total missed rewards sa mga ibat ibang estado ayon sa Coinbase — basahin dito.
Bakit Pinagmamasdan ng mga Shareholders ang Laban sa Staking ng Coinbase?
Nakakuha ang Coinbase ng $85.7 million mula sa blockchain rewards (karamihan ay dahil sa staking) nitong third quarter — malayo ito sa $184.6 million na kinita nila mula noong isang taon, base sa kanilang quarterly filing.
Ayon sa Coinbase, $111.8 million ng pagbagsak na to ay dahil sa mababang presyo ng Solana at Ethereum. Bukod pa diyan, nabawasan pa ng $18.9 million dahil bumaba rin ang reward rates.
Sa filing din noong October 29, una nilang inanunsiyo na plano ng New Jersey na bawiin ang order. Pero binalaan din ng exchange na kung matalo sila sa natitirang mga kaso sa ibang states, pwede talaga itong maging matinding dagok sa negosyo nila.
Alin ang mga State na Patuloy Pang Nakaka-block ng Staking sa Coinbase?
Unang bumitaw ang federal regulators — noong February 2025 pumayag ang SEC na i-drop ang kanilang lawsuit laban sa Coinbase, base dito.
Pagsapit ng May 2025, sinabi ng ilang staff ng SEC na kadalasan ay hindi kinokonsiderang securities ang protocol staking — ito ang full statement. Pero hindi ito official na rule, at hindi lahat ng commissioner sang-ayon dito — hindi sumang-ayon si Commissioner Caroline Crenshaw.
Sa filing, nakasaad din na bumitaw na rin noong 2025 ang Alabama, Illinois, Kentucky, South Carolina, at Vermont sa mga kaso nila laban sa Coinbase.
California, Maryland, at Wisconsinmay mga agreement pa rin na nagbabawal ng bagong staking, at bukas pa rin ang kaso sa Washington.
Sinama lahat ng apat na estado ni Abraham sa kanyang post.
“Wisconsin, Maryland, California, at Washington ang susunod.”
Sa ngayon, umatras na ang mga federal regulator pagdating sa staking, pero apat na states pa ang nag-iiwan ng open question kung anong kapalaran nito. Kahit sa New Jersey, malinaw sa order na pwede pa ring habulin ng bureau ang Coinbase sa mga susunod na panahon.

