Si Caroline Ellison ng FTX, “Carol” na Ngayon—Palihim na Nagtratrabaho sa Isang Charity

abstrak:Nagtrabaho si Caroline Ellison bilang Carol sa charity na Manifund ng dalawang buwan. Sabi ni Austin Chen, naniniwala siya sa redemption.

Naalala mo ba si Caroline Ellison? Siya yung dating CEO ng Alameda na kasama ni Sam Bankman-Fried sa pagnakaw ng $8B na pondo ng customers mula sa FTX. Matapos makulong ng 2 taon, ngayon nagtatrabaho siya sa charity gamit ang pangalang “Carol”.

Sinabi ni Manifund cofounder Austin Chen nitong Biyernes na ang dating CEO ng Alameda Research ay full-time hire na sa kanila ngayon. Ang Manifund ay isang nonprofit grant platform na nagbibigay ng pondo sa mga proyekto para sa effective altruism at AI safety. Sinasabi ng kompanya na todo transparency sila dahil pinapakita nila ang kanilang finances, data, at source code.

Transparency Pledge Pero Nang-Hide ng Staff

Ayon sa balita, nagsimula muna mag-trial work si Ellison noong July 13 at tuluyan nang naging full-time sa August 10. Sa dalawang buwan na yan, nagpo-post siya ng updates at siya din ang sumasagot sa users gamit ang pangalang Carol.

BREAKING: Caroline Ellison has been hired by Manifund, a nonprofit grant marketplace pic.twitter.com/4G3Rjgw3NV

— TBPN (@tbpn) September 11, 2026

Humingi ng sorry si Chen dahil tinago ang totoo niyang pangalan, pero dinepensa niya ang desisyon na ito. Sabi niya, mas importante daw ang second chance kesa sa credentials ni Ellison.

“Naniniwala ako sa redemption. Inaamin ni Caroline ang mga nagawa niya, sinubukan niyang bayaran ang mga creditors, at nakulong na rin siya,” ayon sa kanya sa sinulat niya.

Kinilala rin niya na ang FTX Future Fund—ang philanthropic arm ng exchange—ay naging unang nagpondo sa mga dati niyang proyekto at nakaimpluwensya kung paano namimigay ng grants ang Manifund ngayon.

Pinakamalakas daw na point ni Ellison bilang empleyado ay ang skills sa bookkeeping. Sabi ni Chen, gumawa siya ng reconciliation tool na nakadetect ng maling transactions na umabot sa six figures. Pero dati, tinago mismo ng Alameda records ang nasa $8.7B na nawawalang deposit ng customers.

Bagong Buhay ni Caroline Ellison Pagkatapos ng FTX

Noong August 19, isinara na ng Commodity Futures Trading Commission (CFTC) ang civil case niya, ayon sa BeInCrypto. Tinanggap ni Ellison ang five-year trading ban at ten-year na ban sa pagkakaroon ng registration—wala nang bagong fines na idinagdag.

Pinuri siya ng regulators dahil tumulong siya at nabawi na rin ang $11.02B criminal forfeiture na nakasampa sa record.

Hiwalay pa rito, inutusan din siya ng Securities and Exchange Commission (SEC) na hindi puwedeng maging officer o director sa mga public company. Ito yung restriction na lumabas nung lumabas siya ng kulungan nitong January. Pero hindi sakop ng bawal na ito ang mga nonprofit na staff tulad ng trabaho niya ngayon.

Habang nangyayari ito, ang estate pa ng FTX ay hindi pa tapos. Sa parehong araw, nirequest ng recovery trust nila sa isang Delaware judge na harangin yung dalawang claimants na gusto pa muling buhayin ang mga luma nang fraud theory, para makakuha ng extra payout.

Mahigit $11B na ang naipadala ng trust sa mga creditors gamit ang plan na ginawa para sabay-sabay masettle ang mga claims. Magpapatuloy ang labang ito sa October 20.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Kaya Ba ng AI Mag-Build ng Startup sa 72 Oras? Team ni Elon Musk Magli-Livestream ng Test

Susunod

Fed Rate Hike Halos Sure Na Sa 90%—Saan Nga Ba Nagkamali ang Ekonomiya Ni Trump?