$1.5 Trillion IPO ng Anthropic: Anong Dapat Malaman ng Mga Investor Bago Pumasok?

abstrak:Ang $1.5T IPO ng Anthropic mas lalong kinuwestyon matapos ang AI stock crash—ito ang dapat tandaan ng investors ngayon.

Pinaghahandaan ng Anthropic ang isa sa pinakamalaking IPO sa kasaysayan. Habang pinaguusapan pa lang ng mga investor ang $1.5 trillion valuation nito, biglang nag-warning ang Wall Street tungkol sa AI hype.

Noong November 5, bumagsak ang Nasdaq ng 5.5% at sumemplang din ng mahigit 9% ang Nvidia. Dahilan nito yung takot na sobrang mahal na ng AI infrastructure at mas higpit na regulations kaya marami ang nagbenta ng tech stocks.

Bad timing ito para sa Anthropic. Pwedeng matest sa nalalapit na IPO nila kung naniniwala pa ba ang mga investor na sulit pa rin ang mga malalaking valuation sa AI companies.

Analysis ng BloFin Research na-identify ang ilang financial risks na dapat bantayan ng mga gustong mag-invest.

Bumagal na ang revenue growth ng Anthropic. Galing: The AigenticBakit Bumaba ang Valuation ng Anthropic?

Ang business ng Anthropic mabilis talaga ang paglago. Umabot sila ng $33.2 billion sa revenue sa unang siyam na buwan ng 2026, nasa 13x na mas mataas kumpara last year.

Pero bumaba ang inaasahan sa valuation nila, mula $2 trillion, naging $1.5 trillion na lang.

Dalawang malaking concern ang nakita ng BloFin Research:

  • Bumagal ang quarterly revenue growth mula 144% papuntang 47%
  • Galing sa $974 million operating profit, naging $567 million loss na sila ngayon.

At mas critical pa dito, halos $895 billion na ang na-commit ng Anthropic para sa future computing at infrastructure deals nila.

Lalo pa itong naging issue dahil sa latest na stock market crash.

Ayon sa mga ulat, pinag-uusapan ngayon ng mga gustong pumasok na investor kung $1.2 trillion hanggang $1.3 trillion na lang daw ang dapat na valuation—may iba nga, $1.1 trillion na lang ang tingin nila.

Worth It Ba Ang Presyo ng Anthropic?

Kung $1.5 trillion ang presyo, halos 22x ng latest quarterly revenue (annualized) nila ang binabayaran ng mga investor, base sa BloFin Research.

Malaki talaga ang presyo na yan para sa kumpanya na hirap pang mapanatili ang kita.

May ilang tech stock na indirectly nakaka-expose sa performance ng Anthropic. Galing: BloFin Research

Target ng Anthropic na magka-annual revenue ng $190 billion hanggang $200 billion pagdating ng 2028. Kapag na-hit nila yan, mas magiging reasonable ang valuation ngayon.

Pero kung papasok ka ngayon, technically nagbabayad ka pa lang para sa growth na hindi pa nangyayari.

Ano Dapat Bantayan ng Mga Investor Bago Pumasok?

Malaki ang epekto ng galaw ng Anthropic sa buong AI market. Sina Amazon, Google, at Microsoft ang nagbibigay ng mga pangunahing computing infrastructure nila, habang lumalakas ang demand para sa Nvidia dahil sa AI boom.

Ayon sa estimate ng BloFin Research, at least $269 billion na ang na-commit ng Anthropic para sa computing services sa malalaking cloud providers.

Dahil dito, naiintindihan natin kung bakit parang big deal pag-bumaba ang kumpiyansa ng market sa AI infrastructure spend—not just Anthropic, kundi buong AI industry.

Forecast ng paglago ng Anthropic

Para sa mga investor, may tatlong tanong na dapat sagutin: Kaya ba talagang i-justify ng revenue growth ang mataas na valuation? Sasapat ba ang kita para makasabay sa gastos ng computing? At yung presyo ng IPO, magre-reflect ba yan ng medyo nag-iingat nang market ngayon?

Pwedeng maging matinding pagsubok ng Wall Street sa AI hype itong IPO ng Anthropic.Nasa mga investor na kung naniniwala silang sulit ang malalaking gastos at kung may pang-matagalang kikitain dito.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Sino Talaga si Satoshi Nakamoto? Binalikan ng Bagong Grok AI Study ang Ibat-Ibang Theorya

Susunod

Bakit Mainit Bantayan ang Nintendo Stock Habang Papalapit ang Holiday Season