Pumasa sa KPMG Audit ang Tether Gold—Kaya Ba Nitong Lampasan ang Pinakamalaking Gold Fund ng Amerika?

abstrak:Na-audit ng KPMG ang Tether Gold. Heto kung paano nagko-compare ang XAU₮ sa GLD pagdating sa size, fees, at access para sa mga American.

Isa-isang binilang ng KPMG auditors bawat gold bar, at nagtugma talaga bawat ounce. Noong Thursday, nakakuha ng malinis na audit ang Tether Gold (XAU₮), ang crypto token na naka-back sa totoong ginto.

Ngayon, target naman ng Tether ang gold business ng Wall Street. Gusto nitong tapatan ang SPDR Gold Shares (GLD), na siya namang pinakamalaking gold fund sa America. Pero ang catch, karamihan ng mga Amerikano hindi kayang bumili ng XAU₮ galing mismo sa Tether.

Ano ang Nahanap ng KPMG sa Swiss Vaults

Pagtapos ng 2025, nakita ng KPMG na may 520,089.35 ounces na ginto—ang value nito nasa $2.25 billion. Naka-issue ang Tether ng 520,089.30 tokens. Isang token, isang ounce ng gold ang katumbas.

Nagbigay ang auditor ng unqualified opinion, ibig sabihin sobrang linis ng resulta. Dati, wala pa talagang full audit kahit kailan ang Tether.

Pero mas mataas pa ang target ng kanilang CEO ngayon.

“Naniniwala talaga ako na ang XAU₮ malapit ng maging unang totoong kalaban ng gold ETF market,” sabi niya.

Bakit Maraming Amerikano ang Hindi Makatangkilik

Nagtala ang GLD ng $134.29 billion na total value, ayon sa State Street. Iyan ay 39x na mas malaki kumpara sa XAU₮ na may $3.44 billion. Kahit sinong may U.S. brokerage account pwede bumili nito.

Pinakamalaking gold fund ng America kumpara sa Tether Gold. Source: BeInCrypto

Iba naman ang XAU₮. Ang terms ng Tether Gold hindi pinapayagan ang mga U.S. persons na mag-open ng account. Pwede lang para sa malalaking kumpanya at mga sobrang yaman.

Kailangan pa, pag bibili direkta magsisimula sa 50 tokens agad—nasa $208,000 ang halaga nito.

Sa usapang fees, may punto rin ang Tether. Si GLD naniningil ng 0.40% kada taon. Yung Tether fee schedule naman, 0.25% to buy, 0.25% to redeem, at walang yearly fee. Pero yung isa pang mas maliit na GLDM fund ng State Street, 0.10% lang ang singil.

Ang Ginto na Di pa Naa-audit

Hanggang Dec. 31, 2025 lang ang audit. Noong Sept. 30, nag-report ang Tether ng 827,418 ounces na ginto. Pero yang nadagdag na gold, sample test lang kada quarter ang nagche-check dito.

Tether Gold reserves matapos ang audit. Source: BeInCrypto

Napansin din ng BeInCrypto yang butas na yan noong August. Yung unang malinis na USDT audit ng Tether nagpakita na yung ekstra reserve ng kompanya nabawasan na ng 40%.

Yung tokenized gold isa sa mga kokonti pang crypto sectors na lumalago ngayong taon. Mapapatunayan ng Tether na totoong gold ang naka-back noong 2025. Pero wala pang audit para sa 2026, at hindi pa din diretso makabili ang mga Amerikano hanggang ngayon.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Balik Bearish ang Usapan sa Bitcoin — Ganito Nangyari sa Presyo Noong Nakaraan