Trump Lalo Pang Pinanindigan ang $5K Midterm Promise—Aapektuhan Ba ang Bitcoin?

abstrak:Mahabang shot ang $5,000 dividend na pinangako ni Trump dahil panalo sa midterm ang Democrats—hindi rin sure kung paano magre-react ang Bitcoin.

Muling tiniyak ni President Trump na makakatanggap ang bawat American ng $5,000 bilang “Trump Dividend” kapag nanalo ang Republicans sa midterm elections ngayong November.

Yung mga dating nagbibigay ng tulong sa mga tao na parang stimulus nagdulot ng malakas na paggalaw sa crypto market at tumaas pa ang presyo ng Bitcoin. Kaya, posibleng maging bullish ba para sa Bitcoin ang panalo ng Republicans?

If Republicans win the House of Representatives and the Senate in the 2026 Midterm Elections, Im going to give all adult citizens in the United States of America, $5,000! Thank you for your attention to this matter, and I look forward to signing those checks!

Ano ang Trump Dividend at Pwedeng Magpaangat ba Ito sa Bitcoin?

Ang Trump Dividend ay nagsa-suggest ng $5,000 na payout sa mga nasa 240 hanggang 250 milyon na adult na eligible, at mangyayari lang kung full sweep ang Republicans sa Congress.

Aabot sa mahigit $1.2 trilyon ang total na gastos nito — mas mataas pa sa pinagsamang COVID-era na mga tulong na halos umabot lang sa $3,200 per adult sa ilang mga batch.

Base sa Cleveland Fed research, nakita nila na nung nagbigay ng $1,200 na tulong dati, umangat lang ng 3.8% ang Bitcoin buy volume at 0.7% ang itinaas ng presyo nito, at sobrang konti lang — nasa 0.02% — ng pera talaga ang napunta sa BTC.

Pero ayon sa BeInCrypto, may nakikita pa ring potential dito. Tumaas ang pagbili ng Bitcoin pagkatapos ng Trump at Biden na mga stimulus round, na legit na may naipapasok na pera sa crypto market kahit hindi kalakihan.

Sinabi ni investor Anthony Pompliano na kapag lumaki pa ang giveaways o ayuda, malamang tumaas din ang presyo ng Bitcoin, gold, at lupa sa market.

Trump claims that if the Democrats win the midterms, which is very likely, we will have “an economic depression the likes of 1929.” So despite his being able to veto anything they pass, the economy he now claims is the strongest ever will immediately collapse into a depression.

— Peter Schiff (@PeterSchiff) October 3, 2026

Ngayon, naglalaro ang Bitcoin malapit sa $85,000. Kung manalo ang Republicans sa midterms at matuloy ang $5,000 check ni Trump, malaki ang chance na baka tumaas pa ang Bitcoin papuntang $95,000 hanggang $100,000, lalo na ngayon na mas madali na ang access sa ETFs at mas maraming institutional na pumapasok.

Pero sa ngayon, parang hindi na gaanong nakadepende sa US elections ang crypto market. Mas malaki ang epekto ng pangkalahatang lagay ng ekonomiya. Kung manalo naman ang Democrats at matapos agad yung giyera ni Trump sa Iran, baka mas maging bullish pa ito hindi lang sa crypto kundi pati sa finance markets.

Talagang Magkakatotoo Ba ang $5,000 na Pangako?

Sa prediction markets, marami pa ring pagdududa kung matutupad talaga ito, at base sa number, mukhang malabo pa. Sa contract ng Polymarket para sa 2026 midterms, 7% lang ang chance na full sweep ang Republicans — ito ang kailangan para maipasa yung plan na yan — base noong unang bahagi ng October.

Mas lamang ang possibility na Democrats ang mananalo sa 65%, habang 29% ang split Congress. Mahigit $16 million na ang pumasok na trading volume sa kontratang ito, at lalo pa lumalaki ang agwat ng dalawang outcomes.

Balance of Power: 2026 Midterms. Source: Polymarket

Wala pang malinaw na pondo kung saan kukunin ang pambayad, kasi kulang na kulang ang kita mula sa tariffs. Dagdag pa, may history na si Trump ng hindi natutupad ang ilang pangako—pati yung DOGE at tariff dividends nya hindi rin natuloy—kaya maraming traders at analysts ang duda pa rin habang mino-monitor ang midterm odds.

Kung sakaling matuloy talaga ang payout, malaki talaga ang possibility na makinabang ang Bitcoin, lalo na ngayon na mas maraming ETF at mas madali na ang institutional adoption.

Baka magdulot din ito ng dagdag na inflation na mas magpapatibay sa narrative ng Bitcoin bilang hedge para sa investors. Pero dahil mas malaki ang chance na Democrats ang manalo sa ngayon, mukhang tinitignan lang ng market ang pangakong ito bilang campaign propaganda, at hindi pa talaga nakikita bilang cause ng mabilis na paggalaw sa presyo ng Bitcoin sa short term.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Bitget Hack Update: XRP, Bitcoin, at North Korea—Ano ang Connection?

Susunod

Pagpasok ng October, 4 na Problema ang Pwedeng Lumitaw sa Chart ng Bitcoin