Pinangalanan ni Arthur Hayes ang apat na tokens na tingin niya magsisimulang umangat bago matapos ang hype sa AI. Mangyayari raw to mula sa market na nag-drag down sa Bitcoin (BTC) hanggang halos $62,000 noong November 15 – pinakamababang level nito mula July.
Tinawag ni Hayes na “Four Horsemen” ang grupo ng mga token na ito sa isang post sa X, at sabi niya, magpu-pump daw ang mga ‘to, tapos sila rin ang magsasara ng bubble sa AI. Nanggaling ang prediction na ’to pagkatapos niyang mag-exit kay Hyperliquid (HYPE), NEAR, at ZEC noong June, na tinawag niya dati na “holy trinity” dalawang linggo bago nito. Binenta niya yung ZEC matapos lumabas ang vulnerability sa Orchard shielded pool nito.
Bakit pa siya magti-trade ng rally na medyo duda siya?
Sa essay na “Reality Test” niya noong June 9, binanggit ni Hayes na pwedeng humina ang AI trade dahil sa tumataas na energy costs, pagli-lista ng SpaceX, Anthropic, at OpenAI, at pati na rin mga anti-AI na statements mula kay President Donald Trump. Kaya pati ang hawak niya na core crypto ay Bitcoin (BTC) at ETH na lang.
Sinabi rin ni Hayes sa parehong post kung paano niya sine-set ang position size at hindi siya naglagay ng specific na timeframe para sa mga targets niya.
“Maliit hanggang medium ang size kasi hindi ako sure, pero habang may tugtog, sayaw lang.”
The Four Horsemen shall pump and then usher in the end of the AI bubble:$ETH = $2800$ZEC = $1800$NEAR = $6.00$VVV = $40
The size is small to medium as conviction is meh, but if the music playing you gotta dance.
— Arthur Hayes (@CryptoHayes) November 17, 2026
Ang mga targets niya: $2,800 para sa Ethereum (ETH), $1,800 sa Zcash (ZEC), $6 para NEAR Protocol (NEAR), at $40 para sa Venice Token (VVV) na token ng privacy-focused AI platform na Venice. Pero binanggit niya na small to medium lang siya magpo-position dito.
Yung $2,800 na ETH target, mahigit $2,200 ang baba kumpara sa $5,000 year-end target na sinabi niya noong August.
Ano naman ang inaasahan ni Hayes kapag pumutok ang AI bubble?
Ayon kay Hayes, kapag pumutok ang bubble, posibleng magdulot ito ng financial crisis at pila-pila na central bank money printing — tinatawag niya itong “Big Print.” Sa tingin niya, ito yung magtutulak ng matinding rally ng Bitcoin pagkatapos ng initial na drop. Noong August, tinawag din ni Hayes na credit bubble ang hype sa AI at sinabi niya na pwedeng umabot sa $1 million ang Bitcoin.
Inaakusa rin si Hayes ng on-chain investigator na si ZachXBT na nagpa-pump ng tokens tulad ng ZEC at Worldcoin (WLD) bago niya ibenta sa audience nya. Basahin dito.
Nakabase ang trade na ‘to sa $1.5 trillion AI debt wave na sabi ni Hayes eh sumisipsip ng dollar liquidity. Pero kung maiwasan ng utang na ’to ang krisis, hindi mangyayari yung trigger na sinasabi niya, at mawawala rin yung dulo ng hype pump na inaabangan niya.

