Bagsak ng 18% ang Stock ng PayPal Matapos Iwan ng Stripe at Advent ang $50B Buyout

abstrak:Bumagsak ng 18% ang PayPal stock matapos umatras ang Stripe at Advent sa $50B buyout. Tinetest na ng PYPL ang support sa $51.47.

Bagsak ng halos 18% ang stock ng PayPal sa pre-market trading matapos umatras ang mga payment giant na Stripe at Advent sa balak nilang bilhin ang kumpanya, ayon sa Bloomberg.

Isa to sa pinakamalaking balak na buyout sa fintech history. Dati, nag-offer ang Advent at Stripe sa PayPal ng mahigit $50 billion pero ngayon, wala nang planong ituloy ang deal na yan.

Sa pre-market, nasa $50.61 na lang ang presyo — halos 18% na bagsak mula sa $62.73 swing high ilang araw pa lang ang nakalipas.

BREAKING: PayPal crashes -12.5% in after-hours trading after Stripe and Advent abandon their pursuit of the company in a potential $50+ billion deal, per Bloomberg.

PayPal surged over +40% this quarter on takeover speculation and stronger Q2 earnings.

— Bull Theory (@BullTheoryio) August 28, 2026

Bakit Naging Malakas ang Bagsak ng PayPal Dahil sa Nasirang Deal?

Makikita mong may dahilan kung bakit ganito kalaki ang pagbagsak ng presyo kapag tinignan mo yung nagpapatibay sa presyo ng stock ni PayPal nitong mga nakaraang buwan.

Tumalon nang mahigit 40% ang shares ng PayPal ngayong quarter, kaya umangat ang market value nito sa $52.6 billion. Nagmula yang rally na yan sa dalawang bagay: yung earnings nitong second quarter na lagpas pa sa inexpect ng mga analyst, at matinding haka-haka na baka may kukuha o bibili sa kumpanya.

Unang sinabi ng Bloomberg noong February na pinag-iisipan ng Stripe kung bibili siya ng bahagi o buong PayPal, matapos bumagsak nang matindi ang value ng stock.

Nawala na ngayon ang isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang presyo nitong PYPL, kaya nire-reprice na ng market ang PayPal — na parang wala nang buyer na interesadong bumili.

Mas mahapdi pa dahil sa naging takbo ng negosasyon. Sinabi rin ng Wall Street Journal ngayong August na hindi natuwa ang PayPal sa unang offer ng Advent-Stripe at pinag-usapan pa kung pwede mas mataas pa ang presyo. Sa huli, dahil naghintay sila sa mas malaking deal, walang nangyari.

PYPL 12-hour chart. Source: TradingView

Ngayon na ang market cap ng PayPal ay nasa $52.6 billion at halos kapantay ng inatrasang offer, halos wala nang natitirang sumusuporta sa valuation nito.

Wala ring malaking pagbabago o improvement sa negosyo mismo. Oo, pioneer si PayPal sa digital payments mula pa late 1990s, pero hirap silang sumabay at mag-upgrade ng technology, lalo na ngayong nauungusan na sila ng mga kalaban gaya ng Apple at Alphabet na kumukuha ng market share.

Pinalitan din ng PayPal ang dati nilang CEO na si Alex Chriss ngayong 2026 at ang pumalit ay si Enrique Lores nitong March. Sabi ni Lores magse-set siya ng specific financial goals, babaguhin kung paano sila magre-report ng earnings, at bibigyan ng sariling revenue target bawat business line. Pero long-term na ayos yan — hindi agad-agad makikita ang effect.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Ilang Araw Bago Magpalit ng CEO ang Apple, Biglang Nagpakita si Pikachu sa Apple Park

Susunod

UK Tax Agency, Binilang ang 240 Crypto Millionaires sa Unang Opisyal na Tax Data