Viral na ChatGPT Memory Prompt, Delikado Pala Para sa mga Crypto Holder
Usap-usapan ngayon ang isang viral na prompt kung saan pinapagawa kay ChatGPT na punuin ang isang walang laman na kuwarto ng lahat ng alam nito tungkol sa isang user — at dito napapansin kung gaano karami talagang natatandaan ng chatbot. Marami sa mga user dati nang alam na mayroong data na tinatago si ChatGPT, pero nung makita nila na parang isang buo at visual na larawan, medyo ninerbyos ang ilan. Sa unang tingin, parang katuwaan lang ang trend na to. Pero pwede rin itong maging safety check, kasi lahat ng ilalagay na object sa loob ng kuwarto ay galing sa mga data na nilagay mo mismo sa chatbot noon. Kung ipopost mo pa yan sa X, pwede makuha ng ibang tao ang data mo at magkaroon sila ng profile tungkol sa iyo. Ano nga ba Talagang Naaalala ni ChatGPT sa Memory Nito? Pinagpi-pares sa prompt na to ang simple na image ng gray na kwarto at isang instruction. Punuin daw ng chatbot yung kwarto base sa mga nakaraang usapan mo. Naging uso ito dahil may isang sikat na crypto account sa X na nag-challenge sa followers na subukan at ipakita yung result nila. Upload this picture into ChatGPT and type Fill this room with









