Tuloy ang Pagbagsak ng SpaceX Stock Kahit May $1.6B Deal sa Space Force
Bumagsak ng 3.32% ang shares ng SpaceX nitong Miyerkules, July 29, at nagtapos sa presyo na $112.55. Nangyari ang pagbaba kahit na nakuha ng kumpanya ang panibagong $1.6 billion na order mula sa US Space Force para sa 18 Falcon 9 launches hanggang 2027. Kasama ang pagbagsak na ito sa mas malawak na pagbaba ng SpaceX simula noong mag-Nasdaq debut sila. Nag-presyo sila ng IPO sa $135 pero umakyat pa to sa all-time high na $225.64 noong kalagitnaan ng Hunyo—bago tuluyang bumaliktad at bumaba nang malala. Kontrata na Di Rin Nakapigil sa Pagbulusok Patuloy ang matinding pagbaba ng SpaceX stock ngayong linggo. Naabot nila ang record low na $107.01 noong Martes at ngayon nagte-trade pa rin sila sa ilalim ng IPO price na $135. Nasa 29% na ang tinapyas ng stock nito para sa nakaraang buwan. Nag-aabang na ang investors sa share unlock na posibleng mangyari sa paligid ng August 6, na puwedeng magdagdag ng bagong supply ng shares sa market. Patuloy na bumabagsak ang SpaceX matapos ang record-breaking nitong IPO. Image Source: Trading View Pati mga katunggali ng SpaceX ay may problema rin ngayon. Ang ULA abala pa rin sa matagal nang technical review sa separation issue ng booster ng Vulcan rocket nila. Si








