Nagbanggaan si Charles Hoskinson at mga galit na ADA holders tungkol sa napako umanong pangakong taas-presyo

abstrak:Sabi ni Charles Hoskinson, tapos na ang roadmap ng Cardano at never niyang pinangako na tataas ang ADA. Eto ang sinabi niya.

Sinabi ni Cardano founder Charles Hoskinson na never niyang pinangako na lipad ang presyo ng ADA. Binanggit niya ito sa isang mainit na livestream kung saan marami ang frustrated na investors.

Naka-trade ngayon ang ADA malapit sa pinakamababang level nito sa loob ng ilang taon, sobrang layo sa all-time high noong mga nakaraang bull run.

Performance ng Presyo ng Cardano (ADA). Source: BeInCryptoSabi ni Hoskinson, Kumpleto na ang Roadmap ng Cardano

Ang roadmap ng Cardano ay isang five-era development plan na nagsilbing gabay mula launch hanggang maabot ng network ang full decentralized governance. Bawat era, may dinagdag na core feature sa blockchain:

  • Byron (2017):Nag-launch ng Cardano network noong September 2017.
  • Shelley (2020):Nagdagdag ng staking noong July 2020.
  • Goguen (2021):Nagdala ng smart contracts gamit ang Alonzo hard fork.
  • Basho (2022):Nakafocus sa scaling gamit ang Vasil upgrade.
  • Voltaire (2024):Ipinakilala ang on-chain governance sa pamamagitan ng Chang hard fork.

Noong January 2025, dumating ang huling step dahil sa Plomin hard fork. Dahil sa upgrade na yan, nagkaroon ng direct voting power ang mga ADA holder para sa future ng network.

“…Tapos na ang roadmap. Tapos na rin ang trabaho ko sa Cardano.” sabi ni Hoskinson habang nagla-livestream. Dinagdag pa niya na lahat ng ipinangako niyang gawin ay nagawa na ngayon.

Finishing Cardano https://t.co/LtFVLOHrxk

— Charles Hoskinson (@IOHK_Charles) November 13, 2026

“Wala akong kapangyarihan sa ecosystem na ito,” paliwanag pa niya. Tinuro rin ni Hoskinson na milyon-milyon na ang users ng Cardano at self-governed na ang network. Sa tingin niya, hindi na naka-depende sa kanya ang project.

Bakit Naiinis ang Mga Cardano Investor?

Nanggagaling talaga ang inip at galit sa presyo. Habang nagla-livestream siya, may isang viewer na nagsabing pinangako raw ni Hoskinson na malalampasan ng Cardano ang Bitcoin.

Sabi niya, gusto rin naman niya kung mangyari yun pero never siyang nangako na tataas ang presyo. Dinagdag pa niya na ang mga ADA holder na mismo ang pumipili ng leaders ngayon.

“…Tuwang-tuwa kayo na sinasabi ninyong ang pangako ko na Cardano ay mag-o-overtake sa Bitcoin. Hindi ko yun pinangako. Sinabi ko lang na gusto ko sana mangyari… Pero parang loka-loka ‘pag sinabing ’O, pinangako ni Charles yan… Hindi ako nangangako ng pagtaas ng presyo o ng pag-overturn ng anumang bagay…,” nag-explain ang Cardano founder sa livestream.

Sa sumunod na part, nag-share pa ang viewer ng luma niyang quote. Dati niyang sinabi na tingin niya baka maging pinakamalaking cryptocurrency ang Cardano. Pero nilinaw din ni Hoskinson na “think” lang ito, at pinush niya na ang project hanggat kaya niya.

Dagdag pa niya, kahit anong gawin nila, mukhang walang endpoint na makakasatisfy sa mga investor na gusto lang magpapump. Para sa kanya, kung tumigil ang isang founder sa $3, scammer na raw agad siya para sa mga bumili sa $3.

Simpleng math din talaga ang nagpapakita kung bakit frustrated ang mga tao. Sabi ng BeInCrypto data, nasa $0.1635 na lang ADA ngayon, bagsak ng 26.6% kumpara sa presyo nito nitong nakaraang buwan.

Nasa 94.7% na rin ang binagsak ng token mula sa all-time high na $3.09 na naabot nitong September 2021.

Kaya ngayon, maraming holders ang matinding naiipit at talagang malayo na sa breakeven.

Disclaimer

Ang mga pananaw sa artikulong ito ay kumakatawan lamang sa mga personal na pananaw ng may-akda at hindi bumubuo ng payo sa pamumuhunan para sa platform na ito. Ang platform na ito ay hindi ginagarantiyahan ang kawastuhan, pagkakumpleto at pagiging maagap na impormasyon ng artikulo, o mananagot din para sa anumang pagkawala na sanhi ng paggamit o pag-asa ng impormasyon ng artikulo.
Nakaraang post

Binawasan ng Metaplanet ng 59% ang Revenue Target nila para 2026—Ubus Na Ba ang Bitcoin Diskarte Nila?